Higit 100K na pasahero naserbisyuhan ng Pasig River Ferry Service
Mahigit 100,000 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng Pasig River Ferry Service (PRFS) mula Enero hanggang Hunyo 2023.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mas mataas ang datos na ito kumpara sa 69,899 na pasahero sa parehong panahon noong 2022.
Ang ferry service ay alternatibo at traffic-free na transportasyon sa Metro Manila na may 13 na istasyon na nakalagay sa mga lungsod ng Pasig, Makati, Mandaluyong at Manila. (Bhelle Gamboa)