BSP pinaalalahanan ang mga establisyimento na tanggapin ang ibinabayad na barya sa mga transaksyon
Itinaas pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang halaga ng mga baryang maaaring gamiting pambayad sa isang transaksyon o legal tender limit.
Ito ay para mas mapalaganap ang pag-ikot ng barya sa sirkulasyon.
Sinabi ng BSP na maaaring magbayad ng hanggang P2,000 kada isang transaksyon gamit ang mga baryang 1-, 5-, 10- at 20-Piso.
Habang hanggang P200 naman kada isang transaksyon gamit ang mga baryang 1-, 5-, 10- at 25-Sentimo.
Maaaring gamitin at tanggapin ang mga barya sa halagang mas mataas sa itinakdang limitasyon ng circular kapag ito ay napagkasunduan ng kapwa binabayaran at nagbabayad.
Paalala ng BSP sa publiko, gamitin at tanggapin ang mga barya bilang pambayad sa mga transaksyon. (DDC)