Sen. Bong Go nagkaloob ng tulong sa mga pasyente at frontliners sa Cebu Provincial Hospital

Sen. Bong Go nagkaloob ng tulong sa mga pasyente at frontliners sa Cebu Provincial Hospital

Nagsagawa ng monitoring visit si Senator Christopher “Bong” Go sa Malasakit Center sa Cebu Provincial Hospital sa Carcar City, Cebu.

Sa naturang aktibidad, namahagi ang senador ng grocery packs, masks, vitamins, shirts, at snacks sa 170 pasyente at 243 frontliners.

Namigay din ang team ng senador ng mobile phones, sapatos at bola ng basketball at volleyball sa ilang piling beneficiaries.

Habang ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagbigay din ng financial assistance sa mga kwalipikadong pasyente.

Sa kaniyang pahayag, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng patuloy na operasyon ng mga Malasakit Center para matulungan ang mga kapos-palad na pasyente.

“As chairman ng Committee on Health, priority ko talaga itong Malasakit Center para mayroon kayong nalalapitan sa inyong pagpapaospital. Nandito na ang apat na ahensya ng gobyerno, ang PhilHealth, PCSO, DOH, DSWD na tutulong sa inyong pagpapaospital. Lapitan niyo yang Malasakit Center. Para yan sa Pilipino, pagmamay-ari niyo yang Malasakit Center. Para yan sa inyo,” ayon sa senador.

Nakasaad sa Republic Act No. 11463 kung saan si Go ang principal author na lahat ng ospital na pinatatakbo ng DOH, kabilang ang Philippine General Hospital ay dapat mayroong Malasakit Center.
Ang iba pang public hospitals sa bansa ay dapat ding mayroong Malasakit Center base sa assessment ng DOH.

Sa ngayon ay mayroong 158 operational na Malasakit center sa buong bansa at umabot na sa mahigit pitong milyon ang natulungan nito.

Sa iba pang bahagi ng Central Visayas, matatagpuan ang Malasakit Centers sa Lapu-Lapu City District Hospital, Eversley Childs Sanitarium and General Hospital sa Mandaue City, Talisay District Hospital sa Talisay City, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Cebu City Medical Center, at sa St. Anthony Mother & Child Hospital, sa Cebu City.

Samantala, sinabi ni Go na tinutukoy na din ng DOH ang mga lugar para sa itatayong Super Health Centers sa lalawigan ng Cebu, partikular sa mga lungsod ng Bogo, Danao, Lapu-Lapu, at Mandaue; at sa mga bayan ng Borbon, Cordova, Moalboal, Samboan, at San Francisco.

Ngayong taon, pinondohan na din ang Super Health Centers sa mga lungsod ng Carcar, Cebu, Talisay, at Toledo; at sa mga bayan ng Carmen, Consolacion, Liloan, Medellin, at San Nicolas.

Magkakaroon din ng Super Health Center sa Danao City.

Ayon kay Go mayroong 307 Super Health Centers na napondohan noong 2022 at dagdag na 322 ngayong 2023.

Ang mga Super Health Centers ay mayroong database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical unit.

Ang iba pang serbisyo nito ay eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers; physical therapy and rehabilitation center; at telemedicine.

Nagpasalamat naman si Go kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, Congresswoman Rhea Gullas, Carcar City Mayor Mario Patricio Barcenas, Vice Mayor Efren Quijano, at Moalboal Vice Mayor Paz Rozgoni, sa kanilang serbisyo sa mga mamamayan.

Binanggit naman ni Garcia ang madalas na pagbisita ng senador hindi lang sa Carcar City, kundi sa iba pang lugar sa probinsya para magbigay ng tulong. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *