COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba sa 4 percent; ilang lalawigan sa Luzon nakapagtala ng “low” positivity rates
Bumaba pa ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Mula sa 4.2 percent noong July 8 ay bumaba sa 4 percent na ang positivity rate sa NCR noong July 15.
Pawang nakapagtala din “low” positivity rates sa iba pang lalawigan sa Luzon.
Kabilang dito ang Bulacan (4.8 percent), Laguna (3.7 percent), Oriental Mindoro (4.8 percent), at Quezon (3 percent).
Ang iba pang lalawigan sa Luzon ay pawang nakapagtala naman ng “moderate” positivity rates. (DDC)