Magnitude 5.3 na lindol tumama sa Maitum, Sarangani
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang lalawigan ng Sarangani.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 49 kilometers southwest ng bayan ng Maitum, 11:35 ng gabi ng Lunes (July 17).
May lalim na 1 kilometer lamang ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV
– T’boli, South Cotabato
Intensity III
– Maitum and Maasim, Sarangani
– Lake Sebu, Norala, Tupi, South Cotabato
– General Santos City
Intensity II
– Koronadal City
– Banga, Polomolok, and Tampakan, South Cotabato
– Jose Abad Santos, Balut Island (Municipality of Sarangani), Davao Oriental
Bagaman hindi nagdulot ng pinsala, sinabi ng Phivolcs na maaaring magdulot ng aftershocks ang lindol. (DDC)