Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA sa Mindanao; Luzon at Visayas apektado ng Habagat

Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA sa Mindanao; Luzon at Visayas apektado ng Habagat

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa Mindanao.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 810 kilometers East ng northeastern Mindanao.

Ang buntot ng nasabing LPA ay magdudulot ngayong araw (July 18) ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga at Davao Region.

Samantala, maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms din ang mararanasan sa Zambales at Bataan dahil sa Habagat.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap na hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *