38 Pinoy na crew ng Panamanian-flagged cargo vessel patuloy na pinaghahanap sa Japan

38 Pinoy na crew ng Panamanian-flagged cargo vessel patuloy na pinaghahanap sa Japan

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na isang Panamanian-flagged cargo vessel ang nagkaproblema sa Amami Oshima Island sa Kagoshima Prefecture.

Ayon sa DFA, batay sa impormasyong nakuha ng Philippine Embassy sa Tokyo at Philippine Consulate General sa Osaka, nakatanggap ng distress call ang Japan Coast Guard mula sa barko.

Lulan ng barko ang 43 crew members. Sa nasabing bilang 39 ang Pinoy.

Agad nagtalaga ng patrol boats at mga aircraft ang Japan Coast Guard para hanapin ang nawawalang barko.

Isa pa lamang sa 39 na Pinoy ang natagpuan.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Osaka na patuloy ang ugnayan sa Korpil Ship Management and Manning Corp., – ang local manning agency ng mga Filipino seafarer.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *