Mga produktong pampaputi na nagtataglay ng mercury, laganap sa online shopping platforms – BAN Toxics
Nanawagan ang environmental group na BAN Toxics sa mga online shopping platforms na sumunod sa isinasaad ng e-commerce law at itigil ang pagbebenta ng mga mercury-containing skin lightening products.
Ayon sa BAN Toxics, lima sa 18 samples na nagpositibo sa mercury na lagpas sa itinakdang 1 ppm limit ay kinabibilangan ng mga sumusunod na produkto:
– Parley Goldie Advanced Beauty Cream Pearl Shine na may 81,600
– Goree Day and Night Whitening Cream na may 69,900 ppm
– Goree Beauty Cream with Lycopene na may 49,200 ppm
– Faiza Beauty Cream na may 37,000 ppm
– Papaya Whitening & Freckle-Eliminating package na may 13,700 ppm
Para maprotektahan ang consumer na malantad sa nakalalasong mercury hinikayat ng BAN Toxics ang mga online shopping sites na ipagbawal o i-ban ang naturang mga skin lightening products.
Dapat din ayon sa grupo na tiyaking ang mga produktong ibinebenta sa kanilang platform ay nakasusunod sa rules and regulation ng FDA at DTI.
Panawagan ng grupo sa gobyerno, palakasin pa ang e-commerce law at tiyakin ang proteksyon ng mga consumer laban sa mga hazardous products gaya ng mercury containing na mga produkto. (DDC)