Coast Guard naglatag ng oil spill boom sa tumagilid na RoRo Vessel sa Romblon

Coast Guard naglatag ng oil spill boom sa tumagilid na RoRo Vessel sa Romblon

Naglatag ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog sa lugar kung saan sumadsad ang isang RoRo Vessel sa Bonton, Romblon.

Ito ay para makontrol ang posibleng banta ng oil spill matapos tumagilid ang MV MARIA HELENA sa katubigan na sakop ng Barangay Nasunugan.

Umalisn ang barko sa Lucena City at patungo sana ng Tablas, Romblon nang maganap ang insidente.

Ligtas naman ang lahat ng 93 pasahero at 36 na crew ng barko. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *