PNR patuloy ang paghahanda sa muling pagbubukas ng rutang Naga-Ligao-Naga
Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Railways (PNR) sa muling pagbubukas ng serbisyo ng tren sa rutang Naga-Ligao-Naga.
Ayon sa PNR, kinukumpuni ng kanilang mga tauhan ang mga istasyon sa Ligao, Polangui, at Iriga.
Kasama ring inaayos ang riles na daraanan ng bubuksang ruta.
Ayon kay PNR General Manager Jeremy S. Regino, ito ay para masiguro ang komportable at maayos na biyahe ng mga pasahero ng PNR. (DDC)