Pangamba ng tsunami pinawi gn Phivolcs matapos ang magnitude 7.3 na lindol na tumama sa Alaska Peninsula
Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng tsunami matapos ang tumamang magnitude 7.3 na lindol sa Alaska Peninsula.
Ang pagyanig ay naganap 2:48 ng hapon ng Linggo, July 16.
Kalaunan ay ibinaba ng US Geological Survey sa magnitude 7.2 ang tumamang lindol.
Ayon sa Phivolcs, walang banta ng tsunami saanmang baybayin ng bansa dahil sa naturang pagyanig.
Matapos tumama ang malakas na lindol ay nagpalabas ang U.S. Tsunami Warning System ng tsunami warning para sa South Alaska at Alaska Peninsula. (DDC)