Ipinatutupad na daily water service interruptions sa Metro Manila, sinuspinde ng Maynilad
Sinuspinde ng Maynilad ang inanunsyo nitong pagpapatupad ng daily water service interruptions sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Bunsod ito ng pagtaas ng water level sa Ipo Dam dahil sa pag-ulan na naidulot ng Bagyong Dodong.
Dahil dito sinabi ng Maynilad na nakuha na nito ang required na 2,400 million liter per day para masuplayan ng tubig ang mga costumer nito.
Ayon sa Maynilad, suspendido ang daily water service interruptions sa Caloocan, Malabon, Maynila, Navotas, Quezon City at Valenzuela.
Muli namang maglalabas ng anunsyo ang kumpanya kung kakailanganing ibalik ang arawang service interruptions. (DDC)