Orange Warning nakataas sa Zambales; Yellow Warning itinaas naman sa Bataan at Tarlac

Orange Warning nakataas sa Zambales; Yellow Warning itinaas naman sa Bataan at Tarlac

Nakataas pa rin ang Heavy Rainfall Warning sa ilang lalawigan sa Luzon dahil sa pag-ulan dulot ng Bagyong Dodong.

Sa abiso ng PAGASA, alas 2:00 ng hapon ng Biyernes, July 14, nakataas ang Orange Warning sa Zambales.

Yellow Warning naman ang nakataas sa Bataan at Tarlac.

Samantala, sinabi ng PAGASA na nakararanas pa rin ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, at Batangas, na maaaring tumagal ng tatlong oras.

Aasahan naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Laguna, Rizal at Quezon sa loob ng susunod na tatlong oras. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *