Bagyong Dodong napanatili ang lakas; signal number 1 nakataas sa 8 lugar sa bansa

Bagyong Dodong napanatili ang lakas; signal number 1 nakataas sa 8 lugar sa bansa

Napanatili ng tropical depression Dodong ang lakas nito habang nasa bahagi ng northwestern Cagayan.

Sa 2PM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan ng Pagasa sa bisinidad ng Sanchez Mira, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number sa sumusunod na mga lugar:

– Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
– Apayao
– Ilocos Norte
– Abra
– Ilocos Sur
– Mountain Province
– Kalinga
– northern portion of Isabela (Mallig, Quezon, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, San Pablo, Maconacon)

Ayon sa PAGASA, ngayong araw hanggang bukas (July 14) ng tanghali magdudulot ng 50 hanggang 100 mm na pag-ulan ang bagyong Dodong sa : Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra Benguet, Ilocos Norte, La Union, at Pangasinan.

Bukas ang, Habagat na pinalalakas ng bagyo ay magdudulot din ng pag-ulan sa MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, CALABARZON, Zambales, Bataan, Aurora, Pangasinan, La Union, Isabela, at Benguet.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado o sa Linggo at magtutungo sa southern China. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *