Bagyong Dodong bumilis ang kilos; signal number 1 nakataas sa 12 lugar sa bansa
Bumilis pa ang galaw ng tropical depression Dodong na ngayon ay nasa bahagi na ng northwestern Cagayan.
Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan ng Pagasa sa bisinidad ng Lasam, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong West northwest.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number sa sumusunod na mga lugar:
– Cagayan
– Isabela
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– northern portion of Pangasinan (San Nicolas, San Manuel, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan, Anda),
Ayon sa PAGASA, ngayong araw, magdudulot ng 50 hanggang100 mm na pag-ulan ang bagyong Dodong sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Benguet, Ilocos Norte, La Union, at Pangasinan.
Ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay magdudulot din ng pag-ulan sa MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, CALABARZON, Metro Manila, at iba pang bahagi ng Central Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado o sa Linggo at magtutungo sa southern China. (DDC)