Orange Warning nakataas sa Zambales; Yellow Warning itinaas naman sa Bataan at Pampanga
Nakataas ang Heavy Rainfall Warning sa ilang lalawigan sa Luzon dahil sa pag-ulan dulot ng Bagyong Dodong.
Sa abiso ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga ng Biyernes, July 14, nakataas ang Orange Warning sa Zambales.
Yellow Warning naman ang nakataas sa Bataan at Pampanga.
Samantala, sinabi ng PAGASA na nakararanas pa rin ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Tarlac, Bulacan, Nueva Ecija, Cavite at Batangas na maaaring tumagal ng tatlong oras.
Aasahan naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Rizal, Laguna at Quezon sa loob ng susunod na tatlong oras. (DDC)