Phivolcs nakapagtala ng dalawang may kalakasang pagyanig sa Calayan, Cagayan
Dalawang beses na may kalakasang pagyanig ang naitala sa Calayan, Cagayan ngayong Biyernes (July 14) ng umaga.
Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.0 na lindol sa Dalupiri Island, 6:02 ng umaga.
Ang epicenter ng pagyanig ay sa layong 29 kilometers northwest ng Dalupiri Island.
13 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
6:26 naman ng umaga ng maitala ang magnitude 4.1 na lindol sa parehong lugar.
Ang epicenter ay naitala ng Phivolcs sa 22 kilometers northwest ng Dalupiri Island.
16 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.
Wala namang naitalang intensities sa dalawang pagyanig at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)