Bagyong Dodong nag-landfall sa Isabela; signal number 1 nakataas sa 15 lugar sa bansa
Tumama na sa kalupaan ng Dinapigue, Isabela ang tropical depression Dodong.
Ang bagyo ay huling namataan ng Pagasa sa
bisinidad ng San Mariano, Isabela.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong West northwest.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number sa sumusunod na mga lugar:
– Cagayan
– Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– northern portion of Pangasinan (San Nicolas, San Manuel, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan, Anda),
– northern and central portions of Aurora (Maria Aurora, San Luis, Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag)
Ayon sa PAGASA, ngayong araw, magdudulot ng 50 hanggang100 mm na pag-ulan ang bagyong Dodong sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Benguet, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, at sa northern portion ng Aurora.
Ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay magdudulot din ng pag-ulan sa MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, CALABARZON, Metro Manila, at iba pang bahagi ng Central Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado o sa Linggo. (DDC)