Yellow rainfall warning nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA, 2:00 ng hapon ng Huwebes, July 13, Yellow Warning na ang umiiral sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, at sa General Nakar, Infanta, at Real sa lalawigan ng Quezon.
Bunsod ito ng nararanasang patuloy na pag-ulan sa nasabing mga lugar.
Samantala, mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang nararanasan sa Zambales, Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Batangas at sa nalalabing bahagi ng Quezon. (DDC)