Pag-iisyu ng e-Driver’s License sisimulan na ng LTO

Pag-iisyu ng e-Driver’s License sisimulan na ng LTO

Nakatakda nang mag-isyu ang Land Transportation Office (LTO) ng electronic driver’s license (eDL).

Sa ilalim ng LTO Memorandum Circular ang mga mayroong valid Driver’s Licenses ay bibigyan ng access sa eDL module.

Sinabi ni LTO Officer-in-Charge Assistant Secretary Hector Villacorta, ang eDL ay valid, secure, at alternatibo para sa mga driver.

Ang mga mayroong eDLs ay may kaparehong pribilehiyo at responsibilidad gaya ng mga may hawak ng physical driver’s license.

Ang mga LTO enforcers at kanilang deputized agents ay kailangang kilalanin ang eDL bilang valid form of authorization at identification para mag-operate ng motor vehicle. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *