800,000 commuters makikinabang sa South Commuter Railway Project ayon kay Pangulong Marcos

800,000 commuters makikinabang sa South Commuter Railway Project ayon kay Pangulong Marcos

Aabot sa 800,000 na mga pasahero ang maseserbisyuhan ng South Commuter Railway Project (SCRP) na bahagi ng North-South Commuter Railway System (NSCR) pagsapit ng taong 2029.

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa Contract Packages (CP) para sa sa nasabing proyekto.

Ayon sa pangulo, lilikha din ng 3,000 trabaho ang proyekto sa sandaling magsimula na ang civil works para dito.

Kaugnay nito ay inatasan ng pangulo ang mga ahensya ng gobyerno na magtulungan para matugunan ang mga usapin gaya ng right of way, land acquisition, at relocation ng mga posteng tatamaan ng proyekto.

Siniguro din ni Pangulong Marcos na hindi mapapabayaan ang mga informal settler families na maapektuhan.

Bahagi ng proyekto na popondohan ng P52 billion ang 14.9 kilometers elevated at ground-level rail tracks na mayroong anim na modern train stations sa Blumentritt, Buendia, EDSA, Senate, Bicutan at Sucat. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *