P18M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska ng Customs sa Davao del Norte
Nakumpiska ng mga tauhan ng Customs Collection District XII katuwang ang Naval Forces ang P18.25 Million na halaga ng sigarilyo na ilegal na ipinasok sa bansa.
Ang pagkakadiskubre sa mga kontrabando ay kasunod ng isinagawang joint maritime patrol sa of Brgy. Camudmud, Samal Island.
Lulan ng isang motorized na bangka ang 23,400 reams ng sigarilyo.
Ang sampung crew ng bangka ay dinala sa Sasa Police Station para sa pagsasampa ng karampatang reklamo.
Nagpalabas naman si District Collector Guillermo Pedro A. Francia IV ng warrant of seizure and detention sa naturang bangka at sa mga sakay nitong sigarilyo. (DDC)