Natitirang mga Pinoy sa Sudan pinalilikas sa lalong madaling panahon

Natitirang mga Pinoy sa Sudan pinalilikas sa lalong madaling panahon

Muling nanawagan ang Philippine Embassy sa Cairo, Egypt sa mga Pinoy sa Sudan na lisanin na ang nasabing bansa para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) patuloy ang pag-asiste ng pamahalaan sa mga Pinoy na nais magpalikas mula sa Sudan.

Sa mga nais na bumalik ng bansa maaaring ibigay sa embahada ang kanilang detalye kabilang ang buong pangalan, contact number, at kopya ng kanilang pasaporte.

Ang mga Pinoy na lilikas at dadaa ng Egypt ay kailangang mag-apply ng kanilang entry visas.

Sa mga nais namang lumikas sa pamamagitan ng Port Sudan, kailangan ding mag-abiso sa embahada.

Pinatitiyak ng embahada na mayroong sapat na cash, suplay ng pagkain at tubig ang mga Pinoy na lilikas dahil maaaring abutin ng 10 araw ang paghihintay nila sa Wadi Halfa at Port Sudan.

Para naman sa mga nais na manatili sa SUdan, kailangang ibigay sa embahada ang sumusunod na detalye:

– full name
– contact details
– lugar kung nasaan sila sa Sudan
– pangalan at contact details ng emergency contacts sa Pilipinas

Sa huling datos ng DFA, mayroon pang 100 Pinoy sa Sudan.

Nagpapatuloy ang kaguluhan sa Sudan bunsod ng giyera sa pagitan ng Sudanese military at paramilitary force. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *