Davao Occicdental niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 348 kilometers southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, 4:50 ng madaling araw ng Huwebes, July 13.
May lalim na 148 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito magdudulot ng aftershocks. (DDC)