LPA sa bahagi ng Quezon magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

LPA sa bahagi ng Quezon magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Makararanas ng pag-ulan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA at sa muling pag-iral ng Habagat.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 295 kilometers East ng Infanta, Quezon.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Huwebes (July 13), makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, buong Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at BARMM dahil sa LPA at Habagat.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Davao Region at SOCCSKSARGEN. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *