Kadiwa ng Pangulo binuksan sa Butuan City

Kadiwa ng Pangulo binuksan sa Butuan City

Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagong Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Provincial Capitol Grounds sa Butuan City.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng pangulo ang patuloy na pagbubukas ng KNP sa iba pang lugar sa bansa.

Ito ay hanggang sa makabawi na aniya ang taumbayan sa epekto ng pandemiya at iba pang pagsubok sa ekonomiya.

Bukod sa KNP, nagsagawa rin ng job fair at aid distribution sa lungsod ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Social Welfare and Development (DSWD). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *