P300M state-of-the-art command center, pinasinayaan ng MMDA
Pinasinayaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bagong communications command center (CCC) nito na inaasahang makapagpapalakas sa surveillance and security sa Metro Manila.
Ang CCC ay nasa bagong head office ng MMDA sa Pasig City.
Magsisilbi itong “nerve center” ng mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Matatagpuan dito ang state-of-the-art facilities kabilang ang operations center, data center, situation room, viewing room, media room, at power room.
Ginamitan din ito ng mga bagong teknolohiya gaya ng high-definition closed circuit television cameras, intelligent traffic signalization system, at Hytera radio smart dispatch system na mayroong built-in GPS.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang MMDA CCC ang pinakamalaki, most advanced, at most cost-effective command center sa bansa.
Mayroong situation room sa CCC kung saan maaaring magpulong ang mga opisyal kapag may malaking insidente, man-made o natural disaster man.
Gagamit din ang CCC ng Hytera Radio Smart Dispatch System na mayroong built-in global positioning system (GPS) at smart map para ma-locate ang mga traffic enforcer.
Sa pagbubukas ng bagong command center, ang dating command center ng ahensya ay gagamitin na lamang backup center na maaari ding maipagamit sa iba pang ahensya ng gobyerno. (DDC)