P500K na halaga ng ‘Ukay-Ukay’ nakumpiska ng Customs-Legazpi
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Legazpi at Philippine Coast Guard-Sorsogon ang aaot sa 42 bungkos ng mga ‘Ukay-Ukay’ na tinatayang aabot sa kalahating milyong piso ang halaga.
Ang mga Ukay-Ukay ay nakumpiska sa magkakahiwalay na na paneling na isinagawa sa mga bus at iba pang sasakyan sa Matnog, Sorsogon.
Unang nakumpiska ang 25 bungkos ng imported used clothing na dadalhin dapat sa Samar at Leyte.
Kasunod nito ay may nakumpiska ding 17 bungkos ng Ukay-Ukay na dapat ay dadalhin sa Davao Oriental.
Sa isinagawang mga inspeksyon, nabigo ang mga may-ari na magpakita ng legal documents para sa kanilang kargamento.
Ang mga Ukay-Ukay ay sasailalim sa Warrant of Seizure and Detention para sa kasong paglabag sa Sections 118 (g) at 1113 (a) ng R.A. 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act”. (DDC)