DOTr tinalakay ang planong paglipat sa MMDA ng pamamahala sa EDSA Bus Carousel
Nakipagpulong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Kaugnay ito ng plano ng DOTr na ilipat sa MMDA ang pamamahala ng Bus Management and Dispatch System (BMDS) sa EDSA Bus Carousel.
Inilatag ni Artes ang ilang mga concerns gaya ng pagtukoy sa mga holding areas para sa mga public utility buses bago ang dispatching.
Kasabay nito, ipinabatid din ng opisyal na kasalukuyang naglalagay ang MMDA ng mga CCTV camera sa EDSA Bus Carousel kung saan nasa 40% na ang completion nito.
Ang mga CCTV cameras ay mayroong video analytics na may kakayahang ma-monitor ang movement ng mga bus.
Kabilang pa sa tinakalay sa pagpupulong ang update sa active transport infrastructure development at panukalang pocket track extension sa EDSA-Tramo northbound. (DDC)