Dating Pangulong Duterte, Doc Willie Ong, Erwin Tulfo, nanguna sa PAHAYAG Senatorial Survey

Dating Pangulong Duterte, Doc Willie Ong, Erwin Tulfo, nanguna sa PAHAYAG Senatorial Survey

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa isinagawang senatorial survey ng Publicus Asia Inc.

Batay ito sa naging resulta ng PAHAYAG 2023-Q2 survey.

Nakakuha si Duterte ng 51 percent na popularity, may bahagyang pagbaba mula sa 55 percent na nakuha nito noong 1st quarter survey.

Nasa pangalawa at ikatlong puwesto naman sina Doc Willie Ong at Erwin Tulfo na kapwa nakakuha ng 44 percent.

Tabla din sa pang-lima at pang-anim na puwesto sina Sen. Christopher “Bong” Go at Sen. Imee Marcos na kapwa mayroong 39 percent.

Habang kapwa nakakuha ng 36 percent sina dating Mayor Isko Moreno at dating Senate President Tito Sotto na nasa pang-pito at pang-walong puwesto.

Pasok din sa survey sina Senator Ronald Dela Rosa (35 percent), Dating Senador Panfilo Lacson (35 percent), Gilberto Teodoro (31 percent), dating Vice President Leni Robredo (28 percent), Harry Roque (25 percent) at dating Senador Kiko Pangilinan (25 percent).

Sa isinagawang survey, pinapili ang mga respodnent ng labingdalawang pangalan na kanilang ibobotong senador kung ang eleksyon ay magaganap na ngayon.

Ang PAHAYAG 2023 Second Quarter Survey (PQ2) ay independent at non- commissioned survey ng PUBLiCUS Asia Inc. na ginawa mula June 7 hanggang 12, 2023.

Nationwide ang survey na mayroong 1,500 respondents. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *