P48M na pondo para sa Cavite Drug Rehab Center aprubado na ng DBM
Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P48M na pondo para makumpleto ang Cavite Drug Rehab Center.
Aprubado na ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng nasabing pondo sa Department of Health (DOH) upang makumpleto na ang konstruksyon ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Trece Martires, Cavite.
Ayon ka Pangandaman, kasama sa prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rehabilitasyon ng mga nalululong sa ilegal na droga.
Sinabi ng kalihim na titiyakin ng pamahalaan na magpapatuloy ang pagpapabuti ng mga drug abuse treatment and rehabilitation facilities sa bansa sa pamamagitan ng paglalaan ng karampatang pondo para dito. (DDC)