P9.6M na halaga ng ilegal; na droga nakumpiska sa mga ikinasang operasyon sa Central Visayas
Umabot sa mahigit P9.6 million na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa isang linggo strategic operations na isinagawa ng Police Regional Office 7.
Ayon kay PRO-7, Regional Director Police Brig. Gen. Anthony Aberin, sa mga ikinasang operasyon ay 294 na suspek sa iba’t ibang krimen ang naaresto, 94 sa kanila ay pawang drug personalities.
Kabuuang 1,412 na gramo ng shabu ang nakumpiska na mayroong Standard Drug Price na P9,602,688.
Kasama ding nadakip ang 123 na katao dahil sa ilegal na pagsusugal at may nakumpiskang P12,200 na halaga ng bet money.
May nakumpiska ding 20 armas at 55 piraso ng mga bala.
Tiniyak ni Aberin na magpapatuloy ang operasyon ng PRO-7 laban sa iba’t ibang krimen para makamit ang mas layunin na “safer Central Visayas”. (DDC)