Nutrition Caravan 2023 isinagawa ng Las Piñas LGU
Isinagawa ngayong July 11 ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas City ang kanyang Nutrition Caravan 2023 bilang bahagi nito sa kampanya ng pagsulong sa tamang nutrisyon, pagkakaroon ng aktibo, at malusog na pamumuhay.
Maayos na naisagawa ang aktibidad sa suporta nina Mayor Imelda T. Aguilar at Vice Mayor April Aguilar kaninang 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Las Piñas City Hall Main Lobby, City Health Office, City Nutrition Office at Hall of Justice ng lungsod.
Nagkaroon din ng libreng nutrition counseling mula sa mga Nutritionist- Dietitians para sa mga Las Piñeros at empleyado ng lokal na pamahalaan na naglalayong alamin ang kanilang nutritional status at madagdagan ang kaalaman ukol sa tamang nutrisyon.
Ayon sa City Nutrition Office ang BMI ay isang mahusay na sukatan ng panganib sa mga sakit na maaaring mangyari sa taong maraming taba sa katawan.
Paliwanag pa ng tanggapan na kung mas mataas ang iyong BMI, mas mataas ang iyong panganib para sa ilang mga sakit tulad ng sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, type 2 diabetes, gallstones, mga problema sa paghinga, at kanser. (Bhelle Gamboa)