Mahigit 500 rockfall events, naitala sa bulkang Mayon

Mahigit 500 rockfall events, naitala sa bulkang Mayon

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 511 na rockfall events sa bulkang Mayon.

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala din ng 3 insidente ng volcanic earthquake at 38 Pyroclastic Density Current events.

Umabot naman sa 721 tonnes per day ang average ng sulfur dioxide mula sa bulkan noong July 10.

Naglabas din ng lava ang Mayon na may haba ng 2.8 kilometers at 1.4 kilometers sa bahagi ng Mi-si Gully at Bonga Gully.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa bulkang Mayon. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *