BFP binalaan ang publiko kaugnay sa “LPG Safety Device Scam”

BFP binalaan ang publiko kaugnay sa “LPG Safety Device Scam”

Nagbabala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko hinggil sa mga nagbebenta ng LPG Safety Device.

Ayon sa BFP, hindi ito nag-eendorso ng kahit na anong device na ikinakabit sa regulator o tangke ng LPG upang maiwasan umano ang leakage o makatipid ng konsumo nito.

Sinabi ng BFP na ang regular na paglilinis ng LPG hose at regulator ay sapat na upang maiwasan ang mga leak.

Maaari ding i-check ang leak gamit ang tubig na may kaunting sabon.

Nabatid na mayroong mga nagpapanggap na ahente o kaya ay nagpapakilalang taga-BFP para mag-survey umano sa gamit na LPG brand.

Papasok sila sa bahay para i-check ang LPG at sasabihing lokal ang gamit na hose.

Matapos ito ay aalukin ang may-ari ng bahay na bumili ng LPG Safety Device na ang presyo ay nasa P2,000 hanggang P11,000.

Kung makakaranas ng ganitong panloloko, maaaring isumbong sa numerong (GLOBE) 0917-809-1477/ (SMART) 0920-254-3499 o sa fire station na pinakamalapit sa lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *