2,510 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH sa nakalipas na isang linggo
Nakapagtala ng 2,510 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na isang linggo o mula July 3 hanggang July 9.
Batay ito sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, ang datos ay 9 percent na mas mababa kumpara sa naitalang mga bagong kaso noong June 26 hanggang July 2.
Ayon sa DOH, sa 2,510 na bagong mga kaso, 44 ang severe at critical cases. (DDC)