Positivity rate ng COVID-19 sa NCR bumaba na sa 4.2 percent

Positivity rate ng COVID-19 sa NCR bumaba na sa 4.2 percent

Nananatiling nasa “low” ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. David Guido, mula sa 4.8 percent noong July 1 ay bumaba na sa 4.2 percent ang positivity rate sa NCR noong July 8.

Nasa “low” na din ang positivity rate ng COVID-19 sa Bulacan at Cavite na kapwa nagtala ng 4.8 percent.

Tumaas naman sa “high” ang positivity rate sa Camarines Sur na nasa 20.2 percent mula sa 14.5 percent noong nakaraang linggo.

Habang mula sa high positivity rate na 29.4 percent ay bumaba na sa moderate na 15.8 percent ang naitala sa Isabela.

Karamihan naman ng lalawigan sa Luzon ay nasa “moderate” ang COVID-19 positivity rate. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *