Mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa San Ricardo, Southern Leyte, hahatiran ng tulong ng DSWD

Mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa San Ricardo, Southern Leyte, hahatiran ng tulong ng DSWD

Magpapadala ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas Regional Office sa mga pamilya at mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill na nangyari sa pantalan sa bayan ng San Ricardo sa Southern Leyte.

Ayon sa DSWD, dalawang barangay ang naapektuhan oil spill na nangyari noong July 7.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine National Police – Maritime Group, Philippine Coast Guard at ang San Ricardo local government unit (LGU) sa insidente.

Sa inisiyal na ulat mula sa Southern Leyte Provincial Disaster Response and Management Office (PDRMO) ang oil spill ay nagmula sa passenger vessels na naka-angkla sa San Ricardo port.

Tinatayang 297 na pamilya o 1,118 na katao ang naapektuhan ng oil spill sa Barangay Benit at Barangay Timba.

Nakipag-ugnayan na ang DSWD kay San Ricardo Mayor Roy Salinas para sa tulong na maaaring ibigay ng ahensya.

Inirekomenda ng alkalde na mapagkalooban ng food-for-work ang mga naapektuhang indibidwal lalo na ang mga mangingisdang pansamantalang nawalan ng pangkabuhayan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *