Konstruksyon ng tatlong Multi Purpose buildings natapos na ng DPWH sa Tarlac

Konstruksyon ng tatlong Multi Purpose buildings natapos na ng DPWH sa Tarlac

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Tarlac 1st District Engineering Office ang konstruksyon ng tatlong Multipurpose Buildings sa tatlong barangay sa bayan ng Victoria, Tarlac.

Ang nasabing proyekto ay pinondo ng P14.66 million.

Pinangunahan nina Tarlac 2nd District Representative Christian Tell A. Yap, Victoria Municipal Mayor Rex C. Villa Agustin, at Vice Mayor Tani Guiam ang inagurasyon sa mga bagong pasilidad.

Ayon kay DPWH District Engineer Neil C. Farala, ang nasabing mga istraktura ay magsisilbing alternative venues para sa mga pagtitipon, local activities, assemblies, at iba pang aktibidad sa munisipalidad ng Victoria.

Ang konstruksyon ng tatlong pasilidad ay pinondohan sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *