PNP, AFP at LGUs magtutulungan para maibalik ang peace and order sa Negros Oriental – DILG

PNP, AFP at LGUs magtutulungan para maibalik ang peace and order sa Negros Oriental – DILG

Kaakibat ng pagkakaroon ng peace and order ang pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya sa isang lugar.

Ito ang binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa harap ng mga lokal na opisyal, Philippine National Police (PNP) at iba pang sektor sa Negros Oriental sa pagbisita niya sa probinsya.

Ayon kay Abalos, kailangang magtulungan ang PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), local government units (LGUs) at ang publiko para sa maayos na peace and order situation at para sa ekonomiya ng probinsya matapos ang trahedyang nangyari noong Marso kung kailan pinaslang si Governor Roel Degamo.

Dagdag pa Abalos, gumaganda na ang peace and order situation sa probinsya dahil sa mga pagsisikap ng law enforcement authorities at patuloy na bumababa ang bilang ng crime incidents sa probinsya ayon sa mga datos ng PNP.

Hangad aniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na magtulungan ang lahat upang makamtan ang hustisya at umunlad ang ekonomiya.

Tiniyak din ng DILG Chief sa publiko na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Degamo at iba pang mga biktima kahit na ang ilang mga suspek sa krimen ay binawi ang kanilang mga testimonya.

Ipinag-utos din niya sa PNP na tiyaking hindi na mauulit ang mga krimeng tulad ng walang habas na pagpatay kay Degamo at siyam pang katao. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *