BFAR nagbabala sa pagkain ng tinaguriang “devil crab”

BFAR nagbabala sa pagkain ng tinaguriang “devil crab”

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa pagkain ng tinaguriang “devil crab”.

Kasunod ito ng insidente ng pagkamatay ng isang residente sa Liloy, Zamboanga City.

Ayon sa BFAR Region 9, nangyari ang insidente ng food poisoning sa nasabing lugar matapos kumain ang mga residente ng “devil crab”.

Maliban sa isang residenteng nasawi ay mayroon pang mga nagpapagaling sa Zamboanga City Medical Center.

Kinumpirma ng BFAR na ang nakain ng mga nalasong residente ay ang Devil Reef Crab.

Sinabi ng BFAR na ang Devil Reef Crab at ang Floral Egg Crab ay nagtataglay neurotoxins kabilang ang Tetrodotoxin (TTX) – isang chemical compound na nakalalason at Saxitoxin (STX) na nagdudulot ng Paralytic Shellfish Poisoning (PSP).

Paalala ng BFAR, iwasan ang paghuli at pagkain ng ganitong klaseng shellfish. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *