Quiapo Church kinilala na bilang National Shrine ng CBCP
Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagkilala sa Quiapo Church bilang isang National Shrine.
Sa ikalawang araw ng isinagawang 126th plenary assembly sa Kalibo, Aklan inaprubahan ng mga obispo ang petisyon para ideklarang national shrine ang St. John the Baptist Parish, Archdiocesan Shrine and Minor Basilica o mas kilala bilang Quiapo Church.
Ang Quiapo Church ang pang-29 na national shrine sa bansa.
Noong May 10, idineklarang archdiocesan shrine ang simbahan.
Ayon sa CBCP sa loob ng maraming taon, ang imahe ng Black Nazarene ay nagsilbing “prominent landmark” para sa mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simula din ng umpisahan ang “traslacion” noong 1787, ang Quiapo Church ay naging sentro ng debosyon ng maraming Pilipino. (DDC)