Weekend road reblocking isinasagawa ng DPWH
Nagsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na sinimulan ng alas-11:00 ng gabi nitong July 7 hanggang July 10.
Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) patuloy na kinukumpuni at isinasaayos ng DPWH ang mga sumusunod na lansangan:
1. C-5 Road (NB), P. Antonio hanggang harapan ng Subaru (Lane 2), Pasig City
2. C-5 Road (SB), hanggang Korean Embassy, Makati City
3. C-3 Road eastbound, sa pagitan ng J. Teodoro hanggang Rizal Ave. (2nd Lane buhat sa sidewalk), Caloocan City
4. C-3 Road eastbound, sq pagitan ng Rizal Avenue at Maria Clara St. (1st Lane magmula da sidewalk), Caloocan City
5. EDSA (NB), sa pagitan ng Don Vicente Ang hanggang Gen. Evangelista, Caloocan City
6. Mc Arthur Highway (NB), sa pagitan ng Reparo Road – Calle Cuatro (Outer Lane), Caloocan City
7. Rizal Ave. Exit (NB), sa pagitan ng 1st Avenue at 2nd Avenue (2nd Lane), Caloocan City
8. Roxas Boulevard EDSA Flyover (SB) Lane 1 at 4 (Outer lane Northbound at Southbound), Pasay City
9. EDSA (NB), sa panulukan ng F. B. Harrison St., Pasay City
10. EDSA (NB), Taft Avenue – MRT Station (Bus Lane), Pasay City
11. EDSA (SB), paglampas ng Malibay Bridge (Inner Lane), Pasay City
12. Mindanao Ave. (NB), Tunnel hanggang U-turn (1st lane buhat sa center), Quezon City
13. Mindanao Ave. (SB), bago mag- Congressional Avenue (Truck Lane) at harapan ng Old Volvo (2nd lane mula sa center), Quezon City
14. A. Bonifacio Ave. (NB), sa kanto ng Sgt. Rivera Street (2nd lane magmula sa sidewalk), Quezon City
15. G. Araneta Ave., sa panulukan ng G. Roxas Street (2nd lane buhat sa sidewalk), Quezon City
16. Commonwealth Ave. (NB), B. Soliven Street hanggang Doña Carmen (2nd lane magmula sa sidewalk), Quezon City
17. Commonwealth Ave. (NB), simula sa Kristong Hari hanggang B. Soliven Street (2nd lane buhat sa sidewalk), Quezon City
18. Commonwealth Ave. (NB), magmula sa Sandigan Bayan hanggang Kristong Hari at Ilang Ilang Street hanggang Kristong Hari Parish Church, Quezon City
19. A. Bonifacio Ave. (SB), sa kabila ng Gen. Tinio Street hanggang Blumentritt, Quezon City
20. Commonwealth Ave. (NB) magmula sa Diliman Doctors Hospital hanggang Zuzuaregui Street, Quezon City
21. Commonwealth Ave. (SB), mula sa Don Jose Subd. to Odigal Street, Quezon City
22. Commonwealth Ave. (SB) buhat sa Immaculate Conception Street hanggang Zuzuaregui St., Quezon City, at;
23. Mc Arthur Highway Southbound, Malabon City
Ang mga apektadong kalsada ay madaraanan ng alas-5:00 ng madalibg araw ng Lunes, July 10.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. (Bhelle Gamboa)