Disiplina sa pagtatapon ng basura panawagan ng MMDA

Disiplina sa pagtatapon ng basura panawagan ng  MMDA

Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na magkaroon ng disiplina at itigil ang nakasanayang pagtatapon ng basura sa mga lansangan partikular sa Metro Manila.

Ayon sa ahensiya, nakakasagabal ang mga basura sa paglalakad ng mga tao, lalo na sa bangketa o sidewalk.

Bukod dito, ang mga tambak na basura rin ang dahilan ng pagbaha, mabahong kapaligiran, at pinanggagalingan ng iba’t ibang sakit.

Kaya patuloy ang regular na paglilinis ng MMDA Metro Parkways Clearing Group para mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga kalsada sa mga lungsod at munisipalidad ng buong Kamaynilaan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *