1,000 dagdag na family tents ipadadala ng DSWD sa Bicol

1,000 dagdag na family tents ipadadala ng DSWD sa Bicol

Magpapadala ng karagdagang 1,000 family tents ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office sa Bicol Regional Office.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagtaas pa ng alert level ng Mayon volcano.

Una ng nakapag-suplay ang DSWD Field Office V ng 400 family tents, kung saan nagagamit na ng mga inilikas na pamilya mula sa Barangay Lidong na ni-relocate sa Barangay Sohoton sa bayan ng Sto. Domingo.

Samantala, sa inspeksyon na isinagawa ni DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio hindi ligtas ang kondisyon ng mga evacuees sa Barangay Lidong lalo na sa mga bata dahil ang nasa kalsada sila at ang kanilang temporary shelters ay gawa sa light materials.

Nakipag-ugnayan na si Laurio kay Sto. Domingo Mayor Jun Aguas para mailipat ang mga pamilya sa mas ligtas na lugar.

Ang DSWD Region 5 ay maglalaan ng laminated sacks at family tents para sa 62 families galing sa Barangay Lidong.

Una nang iniutos ni DSWD Secretary REX Gatchalian ang pagtitiyak na masu-suplayan ng family food packs (FFPs) ang mga evacuee na kayang tumagal mula July 2 hanggang 17. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *