Pitong dayuhan na sangkot sa operasyon ng ilegal na online gaming hub naaresto sa Las Piñas City
Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa pitong puganteng dayuhan sa ikinasang operasyon sa Las Piñas City.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco ang pitong dayuhan ay kinabibilangan ng 4 na Chinese at 3 Taiwanese.
Sinabi ni Tansingco na ang pito ay pawang wanted sa kani-kanilang bansa,
Kinilala ang apat na Chinese nationals na sina Zhang Quanbao, Song Tianming, Yu Liming, at Liu Jianxin.
Habang ang tatlong Taiwanese ay sina Li Yi Liang, Huang Hsin-Chiang, at Lin Yue Hong.
Ang apat na Chinese ay nahaharap sa warrants of detention na inisyu ng Public Security Bureau sa China dahil sa mga kasong Contract Fraud, Drug Trafficking, Telecom Fraud at Theft.
Habang may inilabas namang warrants of arrest ang Taoyuan at Taichung District Prosecutors Office sa Taiwan sa tatlong puganteng Taiwanese sa kasong Fraud at Offenses of Causing Bodily Harm.
Nabatid na ang pito ay sangkot sa fraud syndicate running na nagpapatakbo sa ng online gaming hub sa Pilipinas. (DDC)