Justice Sec. Crispin Remulla sumailalim sa bypass surgery

Justice Sec. Crispin Remulla sumailalim sa bypass surgery

Kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na sumailalim siya sa bypass surgery.

Ito ay kasunod ng paghahain ng 10 araw na wellness leave ng kalihim.

Ayon kay Remulla, 7-oras tumagal ang procedure noong June 27 matapos na makitaang may bara siya sa puso.

Limang araw matapos ang operasyon ay nakalabas na ng ospital si Remulla.

Naging matagumpay naman aniya ang procedure pero ayon kay Remulla, sumasailalim pa siya sa physical rehabilitation.

Sa Lunes (July 10) ay balik-trabaho na sa DOJ si Remulla.

Pero ayon sa kalihim, hindi pa niya kakayaning pumasok sa opisina araw-araw. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *