Magnitude 4.1 na lindol naitala sa Kiamba, Sarangani
Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa lalawigan ng Sarangani.
Naitala ng PHivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 27 kilometers southwest ng Kiamba, 11:27 ng umaga ng Huwebes, July 6.
May lalim na 24 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity V sa KIamba, Sarangani at Intensity II sa General Santos at sa Tupi, South Cotabato.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)