Warrant of arrests isinilbi ng CIDG sa dalawang mataas na opisyal ng Communist Terrorist Group

Warrant of arrests isinilbi ng CIDG sa dalawang mataas na opisyal ng Communist Terrorist Group

Isinilbi ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group Isabela Field Unit katuwang ang Philippine Army ang mga Warrants of Arrest (WOAs) laban sa dalawang two high-ranking officials ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Camp Melchor F Dela Cruz, Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Inaresto si Cedric Casano o “Michael Cedric Casano”, 29-anyos na residente ng Marikina City dahil sa salang paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, RA 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Habang isinilbi naman ang warrant of arrest para sa asong Attempted Murder kay Charlotte Velasco, 28 anyos na residente ng Malabon City.

Ayon kay CIDG Director, PMGen Romeo Caramat Jr. ang dalawa ay kapwa high-ranking officials ng CTG at nasa listahan ng Periodic Status Report Threat Group (PSRTG) watchlist.

Si Casano ay Secretary ng Henry Abraham Command East Front Committee KOMPROB Cagayan habang si Velasco ay Finance Officer ng Komiteng Probinsya Isabela (KOMPROB ISABELA).

Si Velasco ay asawa ni Yoshida Orion alyas “Brown” na dating Vice Chairperson ng Anakbayan National.

Ang dalawa ay nasa kostodiya ng 5th Infantry Division ng Philippine Army. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *