Mahigit P3.1M na halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA sa Makati
Arestado ang isang lalaki na na claimant ng isang bagahe na naglalaman ng ilegal na droga.
Isinagawa ang delivery operations sa Gen. Lucban St., Barangay Bangcal sa Makati City.
Ayon sa mga otoridad, ang parcel ay nakapangalan sa isang Adrian Lagar, na ang totoong pangalan ay Adrian Lagarde, 31-anyos at residente ng nasabing lungsod.
Ayon sa PDEA ang parcel ay naglalaman ng 458 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P3.1 million at galing ng Philadelphia, United States.
Dumating ang kargamento sa Port of Clark noong July 3, 2023 at idineklarang bread toaster at naka-consign kay Lagarte.
Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng PDEA Pampanga Provincial Office, PDEA RO III Airport Interdiction Unit, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark, PDEA NCR at PNP.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Noong July 3, natuklasan din ng mga tauhan ng BOC-Port of Clark ang mahigit P4.3 million na halaga ng shabu na itinago din sa dalawang bread toaster.
Galing naman ang kargamento sa Arizona, USA. (DDC)